Cresent Moon

Kamusta ka na?
Pwede ba tayong lumabas?
Dahil may ipapakita lamang ako sa ‘yo

Salamat sa Diyos at nagkita tayo
Pagmasdan mo ang kalangitan
Nakikita mo ba?
Malambing sa mata
Halina’t lipasin natin ang oras sa ilallim ng buwan

Ang iyong mata
Ang iyong mata’t kamay
Nagpapasarap sa ‘king buhay
At ‘di na ako magpapaliguy-ligoy pa

Kamusta ka na?
Pwede ko bang malaman kung may nararamdaman ka para sa ‘kin
Dahil noon pa ma’y ikaw ang minahal ko

Kung wala man ‘wag mo nang sabihin sa ‘kin
Hindi kaya ng puso kong sakitin
Pero nakikita mo ba?
Kung ikaw ay bituin ay ayos na
Kung ikaw nama’y buwan, makikita kita hanggang umaga

Tingnan mo silang dal’wa, tingnan mo ang kanilang pagkinang
Dahil ‘to sa nabubuhay ka
At sa iyong ganda

Kung ika’y bituin, sigurado na ika’y kikinang
Talo mo pa ang buwan

Lahat ng sinabi ko ngayon lang
‘Yun sana ang sinabi ko sa’yo
Kung natawagan kita


written on November 04, 2008

eidos # 52

Advertisements

~ by controlkiryu on 26. 08. 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: