Mahal Kita At Nakalimutan Mo

Dumating ako sa ospital
Para dalawin ka

Magulang mo ay naghihintay
Pagkatapos ng nangyaring trahedya
Sabi ng nanay mo
“Iho, alagaan mo ang aking anak”
“Kung hindi mapapahamak ka katulad ng ginawa mo sa kanya”

Nakita kitang nakahiga’t hindi na makahinga
Katulad nang kasama kita
“Nandito lang naman ako
poprotektahan kita sa mga
elementong ligaw”

Wala na ‘kong paki sa’yo
Pinabayaan mo ako
Nang nakita kita na may kasama kang iba

Mamatay ka na, sumama ka na sa lolo mo at sa alaga mong pusa

Wala akong kasalanan sa’yo
Pinagbitangan lang ako
Hindi naman ako galit
Kahit mayro’n ka nang kabit

Wala na ‘kong paki sa’yo
‘Yan ang mga napapala sa’yo
Sa mga katulad mong
Addicted sa buhay

Kung alam ko lang
Tahimik ka na
Nang una tayong magkasama

Sabi ng doktor sa akin
“Iho ang mahal mo ay gising at nakibo, biglang nakatulog o ‘di kaya’y namatay”
(Nabubulag ka sa’king liwanag)
Sabi ko iho, ang mahal mo ay gising at nakibo, biglang nakatulog, o di kaya’y namatay
Makinig ka sa akin iho, ang mahal mo ay gising at nakibo, biglang nakatulog o ‘di kaya’y namatay…


written sometime 2007-2008

eidos # 360

Advertisements

~ by controlkiryu on 17. 09. 2013.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: