Pulang Asukal, Berdeng Sorbetes at Asul na Keso

Sa likod ng tala’y may bulong, nagbibigay ng hangarin
Hangarin mo’y pansamantala lamang nang pinaharap sa’yo ang bangin
Nakita mo sa itaas ang mga pakpak ng kasinungalingan
Akala’y ikaw ang paglilingkuran habang bumubulok ang bayan

Singlakas ang ‘yong padyak katulad ng ipis na lumalakad
Nasa likod pala ng mga salamin ang iyong hinahangad
Mga sanlibutang paglalakbay, gumulong ka at dumapa
Sa harap ng ‘yong ama, pinagbigyan ka lang ng ina

Ngunit, kahit hindi kayang sundin
ang mga bagay na nagbibigay lakas-loob sa iyong pagkatao
Lilipad lang ang mga batas na ‘di mo dapat pinakialaman

At sino ka ba para sabihin kung sino ako?
Sino ka ba?

Palakpak ng mga kaibiga’y siguradong ito ay palihim
Gumagapang, nagwawala ang mga liwanang at anino sa dilim
Nagdadasal ka ng anuman, akala mo’y Diyos mo’y ngingiti
Mga pagod sa kasalanan mo’y ‘di pa sapat ang bigti

Kahit hindi mo kayang sundin
ang mga kaaway na nagpapahirap sa iyong paglaya
Lulubog ang araw para lang makita mo ang liwanag

At sino ka ba para utusan ako
Sino ka ba?

Ikaw ang bida sa buhay ng lahat,
pero ikaw ay pinagtatawanan ng kapwa bida sa buhay
Pinagduduraan ka’t sinisipa
na para kang pinagkamalang magnanakaw ng alahas ng Maykapal
Pinakinggan mo ang mga sinabi nila
pero ‘di kaya lahat ng ‘to’y babala na mabibilis silang mamamatay?

Sa pagdating ng panahon na guguho ang mundo,
kalmado ka’t pinapainit ang ulo’t bumibilis ang puso
Kabado na ang lahat ng mga anghel
Kung poprotektahan ka, bakit ka masasaktan?
Kung nasasaktan ka, bakit pinagpapatuloy ang paghinga?

Ang pamilya na nagpalaki sa’yo, kunin mo ang kanilang lakas
Ang kapangyarihan na kinuha mo sa’yong pamilya, ay gagamitin sa wakas

Ikaw ang naiwan sa katapusan ng mundo
Ikaw ang natira sa wakas

Sino ka ba?
Sino ka ba? Sino ka ba?
Sino ka ba?
At sino ka para malaman mo, at sino ka para utusan ako?
At sino ka para pagbigyan at sino ka?


written on September 15, 2008

finished on September 20, 2008

entitled on November 19, 2013

eidos # 404

Advertisements

~ by controlkiryu on 19. 11. 2013.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: